Ayon kay Marigold, ang teknolohiya ay
masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina,
kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng mga tao.
Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at
inhenyeriya.
Sa
pag-usbong ng bagong henerasyon o tinatawag na “millenial” nagbago na ang ihip
ng hangin na para bang kay dali ng takpan ang mga bagay na noon ay naging
sandalan na ng ating mga ninuno o nakakatanda. Nalimutan at natakpan na ng mga
bagong high-tech na mga teknolohiya. Sa unti-unting pagbabago ng ating
henerasyon ay nagbago na rin ang pag-ikot ng ating mundo na sadyang nababago na
din ang nakagisnang kultura. Kultura na noon ay nakikita at giginagamit pa.
Ano
nga ba ang Tekno Noon, Tekno Ngayon?
Noon ang ginagamit na sasakyan
ng ating mga ninuno ay ang tinatawag na kalesa na kabayo ang nagdadala o
nagmamaniho para umabot sila sa kanilang patutunguhan. Ngunit ngayon umusbong
na ang high-tech na mga sasakyan na kung saan hindi na kinakailangan na may
magmaniho kundi ang sasakyan na mismo ang maghahatid sa’yo sa iyong
patutunguhan.
SELPON
Isa sa ginagamit noon ang smartphones o tinatawag na keypad na sadyang
usong-uso gamitin ngunit sa paglipas ng panahon karamihan na sa mga bagong
henerasyon touch screen na ang ginagamit. Tuluyan ng nawala ang keypad ngayon
sapagkat unti-unti ng tinatakpan ng bagong teknolohiya (touch sceen) isang touch lang makikita na ang impormasyong iyong
hinahanap.
TELEBISYON
Noon, uso pa ang black and white
telebisyon na wala pang kulay ang nakahalo kundi puro itim at puti ang kadalasang
ginagamit nila noon. Walang remote noon kaya iniikot na lang nila ang nasa
gilid ng telebisyon para pumili ng channel at pagpili ng volume. Ngayon, meron
na tayong tinatawag na flat screen na talagang flat lang ang kanyang screen
wala kang pipindutin mula sa T.V kundi nasa remote ang pagpipilian.
KOMPYUTER
Noon, ang ginagamit ng mga
Pilipino ay typewriter na nagsisilbing encoder sa pag-eencode ng mga
mahahalagang dokumento at ang kanyang keyboard ay hindi magkatulad sa keyboard
ngayon. Nguit, ngayon ang typewriter napalitan na ng mga laptop, kompyuter at
iba pa. Kung noon ang typewriter ay hindi nakakakuha o naka konekta sa internet
ngayon, pwede mo nang gamitin ang kompyuter sa pangangalap ng mga impormasyon
at sa pagreresirts ng mga kinakailangang mahahalagang dokumento.
KAMERA
Kung noon, ang ginagamit sa pagkuha ng
literto ay Kodak lang na nagreresulta ng simpleng pagkuha ng larawana at
simpleng kakalalabasan ng iyong mukha na walang halong filter dahil noon wala
pangumusbong na kamera para sa filter. Ngunit ngayon umusbong na ang tinatawag
na DSLR na may filter na at magkakaroon
ng magandang resulta lalo na sa iyong kinukuhaan ng larawan.
2.) Social
Relationships
Pakikipag-ugnayan
Hindi
madali ang pakikipag-ugnayan noon lalo na kung nasa malayo ang iyong mahal sa
buhay dahil dinadaan nila ito sa pagpapadala ng sulat o telegrama. Minsan pa sa
panahon noon hindi umaabot ang knilang sulat sa gusto nilang padalhan at
kailangan may limitasyon ang iyong mensahe sapagkt kung marami kang naisulat na
mga salita maaaring malaki ang babayaran. Ngunit ngayon sa pagdating ng mga
bagong aplikasyon madali ng mapadala at mabasa ang mensaheng iyong naibgay. Sa
pamamagitan ng bagong teknolohiya ngayon nakakabuo na ang bagong henerasyon ng
facebook, twitter, messengr, video call at skype sa pagbibigay mensahe at
pagmomonetor nila sa kanilang mahal sa buhay.
Kabataan
|
|
|
3.) Beliefs
or Values
Panliligaw
|
|
Kumain
Kilala
ang mga Pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo. Isa sa n
aging katangian nang mg Pinoy noon ang pagsasalo-salo sa hapag kainan tuwing
hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan. Ang magkakapatid
ay tulong tulog sa paghahanda ng kubyertos at kasangkapan na gagamitin
habang hinihintay ang kanilang ama na pagod galing trabaho. Sasalubong ang
buong pamilya para bumati at magmano. Hindi din makakalimutan ng pamilya
ang mananalangin upang magpasalamat sa mga biyaya at pagpapala na tinatanggap
ng bawat isa mula sa Diyos. Ngunit malaking kaibahan na ng mga Pinoy ngayon
dahil unti-unti nang bumabago ang ihip ng hangin kadalasan hindi na sabay
kumain ang isang pamilya kapag kumain kasi minsan kanya-kanya na lang, ang iba
iniiwan at iba naman nauuna nang kumain. Isa pa din hindi na manalangin bago
kumain at nakasanayan ng kumain kaagad.
Malaki
ang pinagbago ng panahon natin noon at ngayon matapos ang 30 taon nang
nakalipas. Maraming natakpan, naluma at nawala bunga sa pagdating ng
teknolohiya gayun paman masasabing marami ding magagandang naidulot ng
teknolohiya sa ating buhay. Isa sa mga
karanasan ko na gusto kong ibahagi na hindi ko talaga malilimutan ay noong
ako’y 2nd year hayskul pa lamang. Isang guro nama Wala akong
kamuwang-muwang noon sa paggamit ng kompyuter kasi nga hindi pa ito itinuro sa
aming paaralan noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Pagtungtong ko ng 1st year
high school, may pinagawa ang guro namin na takdang aralin na kinakailangan
naming magresirts sa mga binigay niyang tanong dahil nga wala pa akong
karanasan kahit kunti sa kompyuter at hindi ko alam kung saan hahanapin ang
website na kinakailangan para maresirts ang sagot sa mga katanungan. Yun bang
feeling na ang confident mong pumasok sa internet cafe tapos nakaupo ka na sa
upuan at biglang napagtanto mong hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Wala
kang alam anong unang pipindutin, hindi mo alam kung saan gagamitin ang mouse
at ang masaklap hindi mo alam kung paano buksan ang kompyuter. Mga ilang minuto
kaya akong nakaupo lang sa upuan buti na lang may isang babaeng katabi ko sa
upuan sinabihan niya akong “Igna si ante nga maginternet ka ug iingon dayun
unsa ka nga number nga kompyuter ug pila ka oras imong gamiton” mabuti na lang may
anghel na pinadala si Lord kaya hanggang tinulungan na lang niya ako sa
ireresirts ko at habang tinutulangan niya ako, kasi ako mismo ang pumipindot
medyo may alam na ako sa paggamit ng kompyuter kahit papaano.
Masyado mang maraming nabago sa nakalipas at sa kasalukuyan
nagpapasalamat pa rin ako dahil nagiging kaakibat ko na din ang teknolohiya sa
pangaraw-araw na buhay. May disadbintahi o adbintahi man ang pag-usbong ng
teknolohiya sa bagong henerasyon marami namang nabibigyan ng pagkakataon na
kumita katulad na lang ng online bussiness.
Alam naman natin na hindi lahat nagkakaroon ng
kaalaman kung paano gumamit ng kompyuter, kasi bilang kabataan naranasan ko na din
ang kawalang kaalaman pagdating kompyuter kaya bilang isang guro o kaya’y may
kaunting kaalaman sa paggamit ng kompyuter o teknolohiya maaari ko namang
ibahagi o ituro ang kaalamang aking nalaman sa iba.
Sa panahon mang darating marahil mas madami pang
bagong taknolohiya ang uusbong maaaring gawin natin ay maging maingat at wag
abusuhin ang paggamit nito. Palagi nating tatandaan na may henerasyon pang
dadating at dadating.
Isa sa tuntunin
ng guro ay turuan ang mga mag-aaral sa wastong pamamaraan at wastong pagbibigya
aral. Bilang isang guro sa hinaharap kinakailangan na tayo ang maging
modelo sa lahat ng bagay. Dapat alam natin ang ibang paraan kung may abirya
habang nagtatalakay tayo sa ating aralin. Kung kinakailangan natin turuan ang
ating mag-aaral tungkol sa kompyuter o kahit background lang hindi tayong
magdadalawang isip na ibahagi ang ating natutunan ng sa ganun mas maintindihan
at mawala ang kanilang kyurisidad sa kung paano gamitin ang kompyuter. Kailangan din nating ibahagi sa kanila ang
limitasyon sa paggamit ng kompyuter at ang pinaka importante ipangaral natin sa
kanila na wag abusuhin ang teknolohiya dahil maaaring ikasasama nila lalo na sa
kanilang pag-aaral.
No comments:
Post a Comment