Wednesday, October 3, 2018

TEKNO NOON, TEKNO NGAYON!





Ayon kay Marigold, ang teknolohiya ay masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng mga tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhenyeriya.

        Sa pag-usbong ng bagong henerasyon o tinatawag na “millenial” nagbago na ang ihip ng hangin na para bang kay dali ng takpan ang mga bagay na noon ay naging sandalan na ng ating mga ninuno o nakakatanda. Nalimutan at natakpan na ng mga bagong high-tech na mga teknolohiya. Sa unti-unting pagbabago ng ating henerasyon ay nagbago na rin ang pag-ikot ng ating mundo na sadyang nababago na din ang nakagisnang kultura. Kultura na noon ay nakikita at giginagamit pa.

        Ano nga ba ang Tekno Noon, Tekno Ngayon?








TRANSPORTASYON
Noon ang ginagamit na sasakyan ng ating mga ninuno ay ang tinatawag na kalesa na kabayo ang nagdadala o nagmamaniho para umabot sila sa kanilang patutunguhan. Ngunit ngayon umusbong na ang high-tech na mga sasakyan na kung saan hindi na kinakailangan na may magmaniho kundi ang sasakyan na mismo ang maghahatid sa’yo sa iyong patutunguhan.
SELPON

Isa sa ginagamit noon ang smartphones o tinatawag na keypad na sadyang usong-uso gamitin ngunit sa paglipas ng panahon karamihan na sa mga bagong henerasyon touch screen na ang ginagamit. Tuluyan ng nawala ang keypad ngayon sapagkat unti-unti ng tinatakpan ng bagong teknolohiya (touch sceen) isang  touch lang makikita na ang impormasyong iyong hinahanap.
TELEBISYON

          Noon, uso pa ang black and white telebisyon na wala pang kulay ang nakahalo kundi puro itim at puti ang kadalasang ginagamit nila noon. Walang remote noon kaya iniikot na lang nila ang nasa gilid ng telebisyon para pumili ng channel at pagpili ng volume. Ngayon, meron na tayong tinatawag na flat screen na talagang flat lang ang kanyang screen wala kang pipindutin mula sa T.V kundi nasa remote ang pagpipilian.


KOMPYUTER

                Noon, ang ginagamit ng mga Pilipino ay typewriter na nagsisilbing encoder sa pag-eencode ng mga mahahalagang dokumento at ang kanyang keyboard ay hindi magkatulad sa keyboard ngayon. Nguit, ngayon ang typewriter napalitan na ng mga laptop, kompyuter at iba pa. Kung noon ang typewriter ay hindi nakakakuha o naka konekta sa internet ngayon, pwede mo nang gamitin ang kompyuter sa pangangalap ng mga impormasyon at sa pagreresirts ng mga kinakailangang mahahalagang dokumento.
  
KAMERA
 


                Kung noon, ang ginagamit sa pagkuha ng literto ay Kodak lang na nagreresulta ng simpleng pagkuha ng larawana at simpleng kakalalabasan ng iyong mukha na walang halong filter dahil noon wala pangumusbong na kamera para sa filter. Ngunit ngayon umusbong na ang tinatawag na    DSLR na may filter na at magkakaroon ng magandang resulta lalo na sa iyong kinukuhaan ng larawan.




2.)    Social Relationships

Pakikipag-ugnayan


        Hindi madali ang pakikipag-ugnayan noon lalo na kung nasa malayo ang iyong mahal sa buhay dahil dinadaan nila ito sa pagpapadala ng sulat o telegrama. Minsan pa sa panahon noon hindi umaabot ang knilang sulat sa gusto nilang padalhan at kailangan may limitasyon ang iyong mensahe sapagkt kung marami kang naisulat na mga salita maaaring malaki ang babayaran. Ngunit ngayon sa pagdating ng mga bagong aplikasyon madali ng mapadala at mabasa ang mensaheng iyong naibgay. Sa pamamagitan ng bagong teknolohiya ngayon nakakabuo na ang bagong henerasyon ng facebook, twitter, messengr, video call at skype sa pagbibigay mensahe at pagmomonetor nila sa kanilang mahal sa buhay.

Kabataan

NOON
 


 
Isa na nakahiligan ng kabataan noon ang paglalaro ng tumbang preso, slipper game, habul-habulan at marami pang-iba. Mas damang-dama pa ng kabataan noon ang kanilang pagka bata dahil naranasan nilang maglaro sa putik, ulan at init. Sa pamamagitan nito may nakikila din silang mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng interaksyon sa isa’t isa. Ngunit sa panahon ng bagong henersyon mas nagiging tutok ang mga kabataan sa paglalaro sa iba’t ibang aplikasyon o mga online na laro na kung saan mas pinipili na lang nilang maglaro sa loob ng bahay kaysa maglaro sa labas. Maaaring sa henerasyong ito bata pa lang teknolohiya na ang unang natutunan at nararanasan.


3.)    Beliefs or Values

Panliligaw


 

               


NOON
 
                Iba na talaga ang mga gawing Pinoy noon at ngayon. Hindi mapagkakaila na iba na talaga ang nakasanyannoon at ngayon lalong-lalo na sa panliligaw, ang panliligaw noon nagiging romantiko ang isang lalaki kung nanaliligaw sila noon. Kinakantahan, binibigyan ng bulaklak at pumupunta sa bahay para manligaw gagawin ang lahat para mapa sagot ang babaeng kanilang minamahal. Noon masusukat ng babae kung gaano nga ba siya kamahal ng lalaki sa pamamagitan ng pag-eefort na manligaw. Ngunit ngayon isang malaking kaibahan ang panliligaw noon at ngayon sapagkat dinadaan na lang sa selpon ang pagsabi ng mga salita o mensahe na dapat sinasabi sa personal. Lahat na lang ng bagay ay dinadaan sa pagtetext at pagtawag walang effort na lumalabas at hinid masusukat ng isang babae ang sensiridad ng isang lalaki kapag dinadaan ito sa simpleng selpon.

Kumain


  Kilala ang mga Pilipino bilang isa sa may magagandang katangian sa mundo. Isa sa n aging katangian nang mg Pinoy noon ang pagsasalo-salo sa hapag kainan tuwing hapunan. Habang ang ilaw ng tahanan ay nagluluto ng hapunan. Ang magkakapatid ay tulong tulog sa paghahanda ng kubyertos at  kasangkapan na gagamitin habang hinihintay ang kanilang ama na pagod galing trabaho. Sasalubong ang buong pamilya para bumati at magmano. Hindi din makakalimutan ng pamilya ang mananalangin upang magpasalamat sa mga biyaya at pagpapala na tinatanggap ng bawat isa mula sa Diyos. Ngunit malaking kaibahan na ng mga Pinoy ngayon dahil unti-unti nang bumabago ang ihip ng hangin kadalasan hindi na sabay kumain ang isang pamilya kapag kumain kasi minsan kanya-kanya na lang, ang iba iniiwan at iba naman nauuna nang kumain. Isa pa din hindi na manalangin bago kumain at nakasanayan ng kumain kaagad.

            Malaki ang pinagbago ng panahon natin noon at ngayon matapos ang 30 taon nang nakalipas. Maraming natakpan, naluma at nawala bunga sa pagdating ng teknolohiya gayun paman masasabing marami ding magagandang naidulot ng teknolohiya sa ating buhay.  Isa sa mga karanasan ko na gusto kong ibahagi na hindi ko talaga malilimutan ay noong ako’y 2nd year hayskul pa lamang. Isang guro nama Wala akong kamuwang-muwang noon sa paggamit ng kompyuter kasi nga hindi pa ito itinuro sa aming paaralan noong kami ay nasa elementarya pa lamang. Pagtungtong ko ng 1st year high school, may pinagawa ang guro namin na takdang aralin na kinakailangan naming magresirts sa mga binigay niyang tanong dahil nga wala pa akong karanasan kahit kunti sa kompyuter at hindi ko alam kung saan hahanapin ang website na kinakailangan para maresirts ang sagot sa mga katanungan. Yun bang feeling na ang confident mong pumasok sa internet cafe tapos nakaupo ka na sa upuan at biglang napagtanto mong hindi mo alam kung saan ka magsisimula. Wala kang alam anong unang pipindutin, hindi mo alam kung saan gagamitin ang mouse at ang masaklap hindi mo alam kung paano buksan ang kompyuter. Mga ilang minuto kaya akong nakaupo lang sa upuan buti na lang may isang babaeng katabi ko sa upuan sinabihan niya akong “Igna si ante nga maginternet ka ug iingon dayun unsa ka nga number nga kompyuter ug pila ka oras imong gamiton” mabuti na lang may anghel na pinadala si Lord kaya hanggang tinulungan na lang niya ako sa ireresirts ko at habang tinutulangan niya ako, kasi ako mismo ang pumipindot medyo may alam na ako sa paggamit ng kompyuter kahit papaano.

            Masyado mang maraming nabago sa nakalipas at sa kasalukuyan nagpapasalamat pa rin ako dahil nagiging kaakibat ko na din ang teknolohiya sa pangaraw-araw na buhay. May disadbintahi o adbintahi man ang pag-usbong ng teknolohiya sa bagong henerasyon marami namang nabibigyan ng pagkakataon na kumita katulad na lang ng online bussiness.
Alam naman natin na hindi lahat nagkakaroon ng kaalaman kung paano gumamit ng kompyuter, kasi bilang kabataan naranasan ko na din ang kawalang kaalaman pagdating kompyuter kaya bilang isang guro o kaya’y may kaunting kaalaman sa paggamit ng kompyuter o teknolohiya maaari ko namang ibahagi o ituro ang kaalamang aking nalaman sa iba.
Sa panahon mang darating marahil mas madami pang bagong taknolohiya ang uusbong maaaring gawin natin ay maging maingat at wag abusuhin ang paggamit nito. Palagi nating tatandaan na may henerasyon pang dadating at dadating.
  
            Isa sa tuntunin ng guro ay turuan ang mga mag-aaral sa wastong pamamaraan at wastong pagbibigya aral. Bilang isang guro sa hinaharap kinakailangan na tayo ang maging modelo sa lahat ng bagay. Dapat alam natin ang ibang paraan kung may abirya habang nagtatalakay tayo sa ating aralin. Kung kinakailangan natin turuan ang ating mag-aaral tungkol sa kompyuter o kahit background lang hindi tayong magdadalawang isip na ibahagi ang ating natutunan ng sa ganun mas maintindihan at mawala ang kanilang kyurisidad sa kung paano gamitin ang kompyuter.  Kailangan din nating ibahagi sa kanila ang limitasyon sa paggamit ng kompyuter at ang pinaka importante ipangaral natin sa kanila na wag abusuhin ang teknolohiya dahil maaaring ikasasama nila lalo na sa kanilang pag-aaral.




TEKNO NOON, TEKNO NGAYON!

Ayon kay Marigold, ang teknolohiya ay masasabing isa sa paraan ng pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagami...